Saturday, November 23, 2013

Sikat na direktor, nireretoke ng iba ang pelikula

SIKAT at kilalang direktor siya pero ilang beses nireretoke ang pelikula niya bago ito ipalabas sa mga sinehan.


Blind Item Ito ang tsika sa amin ng isa mga nagrerebyu ng mga pelikula ng isang movie outfit.



Medyo matsika ang reviewer na nakatsikahan namin at marahil ay gustong bumida dahil first time siyang ipakilala ng aming common friend, kaya marami siyang kuwento tungkol sa mga direktor na mahilig gumawa ng pelikula.


“Okay naman si __ (direktor), marami naman siyang hit movies, pero may flops din. Ang problema lang kay __ (direktor), kailangan rna siyang bantayan mabuti kasi ang tendency, nagiging OA ang pelikula niya sa rami ng ideya niya, so you have to edit it, mga three times until makuha na ‘yung tamang timpla.


“Actually, sakit sa ulo rin ang magrebyu at mag-edit kasi may mga direktor na paikut-ikot at paulit-ulit, siguro para makuha nila ‘yung kiliti ng manonood na okay naman sometimes but boring naman sa dulo.


“Dapat tamang timpla lang, okay at hindi OA at boring for the moviegoers. Kasi ang tendency kapag ganu’n, aantukin ang moviegoers and word of mouth, sasabihin, pang it o nakakaantok ang pelikula, so flop na.


“Dapat masaya at malaman para ang moviegoers masiyahan din at makabawi sa ibinabayad nila. You give them quality movie to enjoy kasi kaya nga sila nanonood ng sine para maglibang hindi para mainis o antukin.”


Nabanggit namin na magaling magkuwento ang direktor na tinutukoy niya, at sa katunayan ay isa siya sa star builder ngayon at iginagalang pa dahll nga karamihan naman ng ginawa niyang pelikula ay nag-hit.


“Oo nga, naghi-hit, pero ang likod nu’ n, maraming beses siyang nirerepaso, na okay naman din sa kanya kasi ang pagkatapos, naging maayos ang daloy ng kuwento, walang sabit,” katwiran sa amin ng aming kausap.


“Pero minsan may mga ipinapasa kami kapag ang producer mismo ang nakialam na dapat ganito, ganyan o ganu’n,” sabi pa

ng source. “‘Pag ganu’n, sinasabi namin sa producer, ‘huwag kang maninisi ‘pag flop ito kasi magulo ang kuwento at walang mapupulot ang manonood’.”


Ang ibang pelikula na distributed lang ng kilalang movie outfit, pinakikialaman din ba ng reviewers?


“Depende kung payag ang producers, puwede, ‘pag ayaw, dedma, ito nga ‘yung sinasabi namin na walang sisihan kung mag-flop kasi ayaw pakialaman. May naging insidente na rin na first day last day din. Actually, kami pa rin ang sinisisisi ng ilang producers na mahirap kausap,” paliwanag sa amin.


Nagbanggit ng tatlong sikat na direktor (dalawang babae at isang lalaki) ang aming kausap na sobrang linis gumawa ng pelikula na talagang tulala sila kapag pinapanood nila.


Hindi kami sumang-ayon sa dalawa sa tatlong binanggit dahil ‘yung babaeng direktor, totoong marami ang hits pero may flop din dahil mataas ang pelikula niya bukod pa sa mismatch ang mga bida.


At ‘yung sa lalaking direktor naman ay hindi namin nagustuhan ang huling pelikulang ginawa na break-even lang sa box-office.


“Si __ (babaeng direktor), utos ‘yun ng producer, so wala siyang magagawa kundi sumunod lalo na kung minamadali na siya. So madalian din ang pelikula. Pero ilan lang naman ‘yun, i-check mo track record niya, lahat maganda, tamang timpla, di ba?”


At ang lalaking direktor: “Siguro depende sa mood niya, doon lumalabas sa pelikula, malalim lang na minsan hindi kayang abutin, pero so far okay naman.”


At ang isa pang babaeng direktor, wala kaming masabi dahil magaling talaga, walang pelikulang flop at lahat may katuturan, ‘yun nga lang, drama lang ang forte niya.


“Siyempre lahat may kanya-kanyang strength hindi naman pupuwedeng sakupin niya ang drama, horror, rom-com, comedy,

eh, dapat, isa-isa lang talaga,” katwiran sa amin.


May upcoming movie ngayon ang sikat na direktor na maraming beses nirerepaso at nireretoke ang gawa kaya nagtanong kami kung narebyu na niya ang pelikulang ito.


“Hindi pa masyado, pero nakita ko na ang rushes, mukhang okay naman. Hindi pa kasi tapos magshoot,” say niya. – Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sikat na direktor, nireretoke ng iba ang pelikula


No comments:

Post a Comment