Saturday, November 23, 2013

Donasyon ng Kalinga, P1M na

TABUK CITY, Kalinga – Pinagtibay ng Sangguniang Panglalawigan ang resolusyon na nagpapahintulot kay Kalinga Gov. Jocel Baac na magkaloob ng P700,000 na tulong pinansiyal sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’, partikular sa Tacloban City, Leyte.


Ayon kay Board Member Emilio Kitongan, may akda ng resolusyon, ang nasabing halaga ay karagdagan sa P300,000 na unang inaprubahan kaya sa kabuuan ay P1 milyon na ang kaloob sa mga binagyo, bukod pa sa relief goods.



Sinabi pa ni Baac na planong magkaroon ng adopt-a-barangay sa Kalinga para sa mga binagyo. – Wilfredo Berganio


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Donasyon ng Kalinga, P1M na


No comments:

Post a Comment