Saturday, November 23, 2013

Retiradong pulis, nakaligtas sa pamamaril

BANGUED, Abra – Isang retiradong pulis ang pinagbabaril ng kanyang kaalitan habang bumibili siya sa isang tindahan sa Peñarrubia Street sa Zone 4, Bangued, noong Nobyembre 19.


Nagtamo ng mga bala ng .45 caliber pistol si Aristeo Valera, 59, ng Barangay Poblacion, Baay-Licuan, na maayos na ngayon ang lagay, ayon kay Bangued Municipal Police chief, Chief Insp. Arvin Fabro.



Agad namang nadakip si Marlon Taloma Reyes, 24, ng Bgy. Patucannay, Tayum, na nahaharap sa frustrated murder. – Rizaldy Comanda


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Retiradong pulis, nakaligtas sa pamamaril


No comments:

Post a Comment