Friday, November 1, 2013

SANA LANG

Sa susunod na buwan, P’re, Pasko na. Dapat ay masasaya na tayo sa pagkat talagang nakapagpapasaya ang simoy at mga himig na Pamasko. Pero nakakadismaya ang mga balita buhat sa Palasyo.



Ayon sa balita, P’re, na hatid ng mga diyaryo: “DAP to Continue”. Tuluy-tuloy daw ang DAP. At ang malungkot, hindi naapektuhan o pinarusahan man lamang si Budget Sec. Butah Abad. Dahil hindi ginalaw man lamang si Abad, that is very-very Bad! At dahil, P’re sa sinasabing mga anomalya sa gobyerno, ipinagharap ng Impeachment complain si P-Noy ng abugadong nagngangalang Atty. Oliver Lozano. Malabo ang reklamong iyan ayon sa mga lider ng Kongreso. At sa kasalukuyang takbo ng panahon, ang nakakaisip lamang sa reklamong iyan ay hilo. Kontrolado kasi ni P-Noy ang Kongreso, kontrolado rin ang Senado kaya paano susulong ang ganyang reklamo?


Sa kabila, P’re ng mga PDAP at DAP at kung anu-ano pang mga pang hoholdap, mabango pa rin ayon sa survey si P-Noy. Aywan lamang kung ang mga survey na nabanggit ay may kahalong magic. Magaling si P-Noy at kanyang “propaganda machine”, magagaling magsipaglubid ng buhangin.


Kaya lang, habang hindi sinusolusyunan ni P-Noy ang PDAP at DAP at hindi ito sinupil, ang mga demonstrasyon at rally kabi-kabila ay baka hindi magsitigil..at maka aapekto iyan sa popularidad ni Noy-Pi.


Tahimik na raw, P’re sa Zamboanga City. Marami na raw kasing natigok kaya bihira na ang nagsisiputok. At kinasuhan na rin daw ng kasong rebelyon si Nur Mesuari. Iisa na lang ang problema. Kung papaano ito mahuhuli!


Kapag nakapuslit ito sa ibang bansa laluna sa mga Muslim area, goodbye na, Sec. De Lima. Ang maiiwan dito ay ang mga kukulukulo ang tiyang MNLF at ilan nilang sundalo, at ang mga utak, libre na sa asunto, pero “nangakahoyo”.


Pustahan tayo, P’re, sa mga asuntong iyan tungkol sa PDAP, walang makukulong na malakas. At baka pati si Napoles ay makaligtas. Iyan ang hustisya sa Pinas.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SANA LANG


No comments:

Post a Comment