Friday, November 1, 2013

Mag-asawa arestado sa pagtutulak ng shabu

CAMP BGEN OSCAR FLORENDO, La Union – Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang isang magasawa na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Ilocos region matapos salakayin ang kuta nito sa Dagupan City, Pangasinan noong Huwebes.



Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Montero Guro at maybahay nitong si Monique, residente ng Sitio Bliss, Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City.


Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng awtoridad ang hideout ng mag-asawa kung saan nakumpiska ang apat na sachet ng shabu at isang caliber 40 pistola.


Kasulukuyang nasa kustodiya nang pulisya ang mag-asawa habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa kanila sa korte. – Freddie G. Lazaro


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mag-asawa arestado sa pagtutulak ng shabu


No comments:

Post a Comment