Thursday, November 14, 2013

Sama-samang pagdarasal, dalangin ng broadcaster

“Ang sama-samang pagdarasal na pamumunuan ng mga pinuno ng bansa, iba’t ibang lider-relihiyon, liderpulitiko at pribadong sektor at mismo ng mamamayang Pilipino ang makabubuti para sa ating bansa.”


Ito ang simpleng panawagan ng Brodkaster ng Radyo ng Bayan na si Rene Tichangco at maging ang pananaw ni Biblemode President at Bishop Benny Abante.



Naniniwala si Abante na ang taimtim na pagdarasal ng lahat ang magiging gabay para sa ikabubuti ng sambayanan.


“Marahil ay pare-pareho tayo ng naramdaman ng mapanood ang nakakahilakbot na pangyayari sa ating mga kababayan na anila’y isang delubyo ang nangyari sa kanilang mga lalawigan, bukod pa sa dinanas na lindol, buhawi, baha nitong nakalipas na mga araw sa iba’t ibang parte ng bansa,” ayon kay Tichangco.


Iginiit ng brodkaster na kailangang magkaisa ang lahat ng Pilipino sa pagdarasal at iabandona ang personal na interes, pagkakaiba ng paniniwala at magyakap para sa kabutihan at kagalingan ng bansa.


“I sought the LORD ang he answered me and delivered me from all my fears (Psalm 34.4).”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sama-samang pagdarasal, dalangin ng broadcaster


No comments:

Post a Comment