Thursday, November 14, 2013

‘Di baleng tumatanda, ang importante may pinagkakatandaan — Vilma Santos

BINIRO si Batangas Gov. Vilma Santos sa presscon ng The Generics Pharmacy kung nakuha na ba niya ang kanyang senior citizen’s card ngayong 60 years old na siya.


VILMA Santos Hindi ikinahihiya ng Star for All Seasons ang kanyang edad, pero hindi pa raw niya napipirmahan ang senior citizen’s card niya.



“Binibigyan nga ako sa Batangas, ayokong tanggapin pa,” sambit ng lagi pa ring masayahin at palabirong si Ate Vi.


“(Sabi nila sa akin sa Batangas), , Ate Vi, makaka-discount ka na!’ Sabi ko, ‘Heh!’ Sabi ko, ‘Give me time to think para pirmahan ko ‘yan.’ Sabi nila, , Ayaw mo? May discount ka. Sa sine, libre ka’.


“Sabi ko, ‘No! Give me time to think’,” kuwentong sinabayan ng tawa.


Pero decided si Governor Vi na kukuha siya ng senior citizen card.


“Definitely, I’ll take advantage of that. Definitely, sa Batangas (kukuha ng card),” say niya. “Mas marami pang edad na dumagdag, mas gusto ko. Ibig sabihin, long life. But at the end of the day, I guess, what’s important is while you grow older, you become more meaningful. You’re life become more meaningful.


“Hindi baleng sinasabing tumatanda ka, at least, ang importante, may pinagkakatandaan ka naman. And I think, ‘yun ang pinakamalaking kayamanan mo na puwede mong ipagmalaki at maiwanan,” paliwanag butihing ina, aktres, at servant leader. -Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Di baleng tumatanda, ang importante may pinagkakatandaan — Vilma Santos


No comments:

Post a Comment