Thursday, November 14, 2013

AFC president, bumisita sa bansa

Dumating kahapon sa bansa si Sheikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa ng Bahrain, ang bagong presidente ng Asian Football Confederation (AFC), upang ituon ang pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas sa iba pang miyembro ng asosasyon sa Asya.


Nagkaharap kahapon ng umaga sina Sheikh Salman at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia, kasama sina Philippine Football Federation (PFF) president Mariano “Nonong” Araneta at secretary general Ted Gastanes, para pagusapan ang aktibidad ng AFC.



Nakatakda ding ibahagi ng AFC ang donasyon na mga gamit at pasilidad para sa football habang inaasahang pag-uusapan din nina Garcia at Sheikh Salman ang posibleng muling pagsasagawa ng mga laban sa pagitan ng mga miyembrong bansa at Azkals Philippine national football team.


Matatandaan na naging popular uli ang football sa bansa matapos ang makasaysayang panalo ng Azkals kontra sa nagtatanggol na kampeong Vietnam may tatlong taon na ang nakararaan na nagtulak sa pag-angat ng koponan at maging sa suporta ng bansa sa sinasalihan nitong AFC.


Nakatakdang lumahok ang Azkals sa AFC Challenge Cup sa Mayo 2014 sa Maldives.


Nahalal naman si Sheikh Salman bilang bagong presidente ng AFC sa eleksyong ginawa sa Kuala Lumpur. Nakuha nito ang 33 sa 46 boto sa unang round na nagbigay dito ng two-thirds majority kontra kina Worawi Makudi ng Thailand na may 7 boto at Yousuf al-Serkal ng UAE na may anim. .


Ang Asian Football Confederation (AFC) ang governing body ng mga asosasyon ng football sa Asia kung saan mayroon itong kabuuang 47 miyembrong bansa. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



AFC president, bumisita sa bansa


No comments:

Post a Comment