Sunday, November 17, 2013

Gov. Vi, hangad ang mabusising auditing sa mga donasyon para sa mga binagyo

VILMA Santos


Ni Jimi Escala


BINIGYAN si Batangas Gov. Vilma Santos ng surprise birthday celebration ng kanyang The Generics Pharmacy family last Nov. 12. November 3 ang birthday ni Ate Vi pero nasa bakasyon pa ang kanyang pamilya noon at pumanaw din ang kanyang mother-in-law kaya last week lang natuloy ang okasyon.



Bongga at unforgettable ang birthday party cum launching ng second TVC ng Generics Pharmacy na mahigit dalawang taon nang iniendorso ni Ate Vi.


“Ang gusto ko sa kanila, eh, naging katuwang ko sila sa mga proyekto ko sa Batangas lalung-lalo na sa health programs ko,” sey ni Gov. Vi.


Bukod sa commercial spot sa TV, katakut-takot din ang billboards ni Ate Vi na ipinagawa ng Generics Pharmacy. May nasagap kaming info na TGP ang isa sa kumukumbinsi sa kanya para tumakbo sa mataas na posisyon sa pulitika. Kaya ang naglalabasang billboards sa lahat ng malalaking siyudad ay bahagi na raw ng paghahanda sa pagtakbo niya sa higher position sa 2016.


“No political ambition,” mabilis na sabi ng Star for All Seasons. “Ayokong magplano dahil ang konsentrasyon ko ngayon, eh, itong last term ko to finish it with honors. Kailangan kaya kong ipagmalaki sa inyong lahat na nagmamahal sa akin without even thinking na may political ambition ako para sa isang national position,”


Totoo ba na hindi lang si President Noynoy Aquino ang kumukumbinsi sa kanya kundi ganoon din si Vice-President Jejomar Binay? Posible ba ang Binay-Vi tandem?


“As I have said, ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yan,” sagot niya. “Marami pa tayong dapat na pagtuunan ng pansin kaysa bagay na ‘yan. Sobra-sobra ang mga pangangailangan ng mga kababayan natin sa Kabisayaan.


“Although, may pangangailangan namang dapat bigyan din ng atensiyon ang constituents ko dulot ni Yolanda, but still sobrang dapat bigyan ng atensiyon ang nasa Tacloban, Leyte, Ormoc, at iba pa,” aniya pa.


Lahat ng departamento sa kapitolyo ng Batangas ay inatasan ni Ate Vi na magambag- ambag para sa mga kababayan nating binagyo. Bagamat ayaw niyang ipangalandakan, nalaman namin na first day pa lang ay nagpadala agad siya ng

tulong.


Hangad din ni Gov. Vi na magkaroon ng matino at mabusising accounting at auditing ang lahat ng mga donasyon na ipinaabot ng ibang bansa at maging ‘yung mga tulong mula rin sa mga kababayan natin para sa mga biktima ni Yolanda.


“Grabe na po talaga ang mga pangyayari sa atin. It’s not that we wish those people na sana maranasan din nila ‘yung naranasan ng mga biktima ng mga kalamidad for them to realize na ang tulong para sa mga ito ay nararapat na iabot sa nararapat at hindi ‘yung nababalitaan nating anomalya. Sobrang sakit na ang mga pangyayari, huwag na naman sanang pagsamantalahan pa ng ilan,” seryosong lahad ng premyadong aktres


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Gov. Vi, hangad ang mabusising auditing sa mga donasyon para sa mga binagyo


No comments:

Post a Comment