Monday, November 18, 2013

Runway operation ng NAIA, isasaayos—DoTC

Isinasaayos din ng gobyerno ang operasyon ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasabay ng rehabilitasyon ng mga passenger terminal nito dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero, base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA).



Naghahanap na ng eksperto ang Department of Transportation and Communication (DoTC) na mag-aaral kung paano madadagdagan ang airside capacity ng Manila aviation hub sa ilalim ng NAIA Runway Optimization Project.


Base sa request for expression for interest ng mga bidder, sinabi ng DoTC na ang consultancy contract ay nagkakahalaga ng P91.4 milyon.


“The consultants will be tasked to set clear and achievable targets to improve the existing operations taking into account the future plans for NAIA and other relevant airports,” sabi ng DoTC.


Bukod dito, inihayag ng DoTC na kailangang alalayan ng consultant na magwawagi sa bidding ang pagpapatupad ng kanilang panukalang proyekto.


Base sa 2011 JICA study, ang annual passenger forecast para sa Greater Capital Region—na sakop ang Metro Manila, Central Luzon, Southern Luzon—ay lolobo sa 49.8 milyon sa 2020 at 75 milyon sa 2030. Aabot din ito sa 106 milyon sa 2040.


Noong 2012, umabot sa 31.879 milyon ang passenger traffic sa rehiyon. – Kris Bayos


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Runway operation ng NAIA, isasaayos—DoTC


No comments:

Post a Comment