Monday, November 18, 2013

2 bulkan sa Indonesia, sumabog; libo-libong residente inilikas

DALAWANG bulkan sa Indonesia ang sumabog nitong Lunes, dahilan upang ilang biyahe ng eroplano ang naapektuhan at maraming pamilya ang inilikas.


Nagbuga ng aabot sa 8,000 metrong taas na volcanic ash ang Mount Sinabung sa North Sumatra, ayon sa government volcano expert na si Surono.


“It was the strongest eruption in the recent days,” ani Surono.


Naging madalas ang pagsabog ng bulkan kamakailan matapos ang tatlong taong kawalan ng aktibidad.


Nasa ikalawa sa pinakamataas na alerto ngayon ang Sinabung kung saan 6,000 residente ang inilikas.


Naglabas na ang opisina ni Transportation Ministry Spokesman Bambang Ervan ng abiso sa mga airline company na iwasan ang ruta malapit sa bulkan.


Ilang oras bago nito, nagpakawala rin ang Mount Merapi ng 2,000 metrong taas na volcanic ash na bumagsak naman sa ilang bayan.


Aabot sa 600 pamilya ang inilikas.


Ang Merapi ang pinaka-aktibong bulkan sa Java, Indonesia na kumitil ng 350 buhay nang sumabog noong 2010.


The post 2 bulkan sa Indonesia, sumabog; libo-libong residente inilikas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 bulkan sa Indonesia, sumabog; libo-libong residente inilikas


No comments:

Post a Comment