Sunday, November 3, 2013

Robin, freelancer na

NAKAUSAP namin ang isang ABS-CBN insider at kinumpirma niya ang nakarating na balita sa amin na wala nang balak si Robin Padilla na mag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network.


Expired na last month ang kontrata ni Robin sa ABS-CBN at mas gusto na raw nitong maging freelancer muna.



May mga pangungumbinsi rin naman daw na ginawa ang mga bossing ng Dos pero may mga dahilang binanggit ang source namin kung bakit ayaw nang mag-renew ng kontrata ni Robin sa istasyon.


Ayon pa sa source, gumagawa ng pelikula si Robin kasama ang kapatid na si BB Gandanghari (Rustom Padilla). Isa raw si Robin sa producers ng naturang pelikula. Bukod kay BB ay kasama pa rin ang ilang bigating artista, ang anak ni Binoe na si Kylie Padilla at ang asawang si Mariel Rodriguez. –Jimi Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Robin, freelancer na


No comments:

Post a Comment