Sunday, November 3, 2013

Mas maiksing pila sa airport, target

Umapela si Bureau of Immigration (BI) Officer-In-Charge Commissioner Siegfred Mison sa mga biyahero sa mga airport sa bansa na makipagtulungan sa mga tauhan ng ahensiya upang malutas ang problema sa mahabang pila ng mga pasahero sa mga paliparan.



Ayon sa opisyal, ang paghaba ng pila ng mga pasahero sa immigration counters ay dahil sa pagdami ng biyahe, lalo na ngayong malapit na ang Pasko.


Dahil dito, may pakiusap si Mison sa mga pasahero upang maibsan ang mahabang pila sa immigration counter: Sa mga paalis, dapat na magtungo sa airport dalawang oras bago ang flight; ihanda ang mga kinakailangang dokumento bago pumasok sa immigration area.


Pinapayuhan din ang mga pasahero na agad nang sagutan ang arrival/ departure card.


At upang matiyak na mababawasan ang pila sa mga immigration counter, ililipat ni Mison ng assignment ang 70 immigration officer na nakatalaga sa Maynila, at ang mga nakatalaga sa labas ng Maynila ay magseserbisyo ng isang araw sa bawat linggo sa Maynila.


Ang mga immigration officer naman na secondary inspection lang ang trabaho sa Ninoy Aquino International Airport ay tutulong sa stamping duty. – Mina Navarro


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mas maiksing pila sa airport, target


No comments:

Post a Comment