Sunday, November 3, 2013

Away-kalye, plano ni Rios kontra Pacquiao

Planong gamitin ni Brandon “Bam Bam” Rios ang kanyang pagiging dangkawan o sobrang laki para puwersahin sa away-kalye ang magiging sagupaan nila ni dating pound for pound king Manny Pacquiao sa Macau, China.


Sa taas na 5’8”, bahagyang tiningala ng 5’6 1/2” na si Pacquiao si Rios nang magharap sila sa unang pagkakataon sa press conference ng kanilang laban na tinaguriang “Clash in Cotai” sa Nobyembre 23.



Hindi maikakailang magkaibigan sina Rios at Antonio Margarito na dating binugbog nang husto ni Pacquiao noong 2010. Bagamat nagwagi ang Pambansang Kamao, tumanggap naman siya ng labis na mga suntok sa bodega mula sa Mexican na mas mabigat sa kanya ng mahigit 20 lbs.


Ito ngayon ang pinupuntirya ni Rios na sundan ang naunang ginawang pahirap ni Margarito dahil sinasabing may masamang epekto ito kay Pacquiao na nagpabagal na sa bilis ng suntok at galaw sa ibabaw ng ring.


Kaugnay nito, lumalabo na ang tiyansang makipagbakbakan sa Estados Unidos si Pacquiao na tiyak namang labis na ikalulungkot ng kanyang US-based fans.


Malaki ang paniniwala ni Top Rank boss Bob Arum na masyadong nakabigat kay Pacquaio ang malaking tax na binabayaran nito kapag nakikipaglaban sa Amerika at sinisingil pa rin sa Pilipinas kaya nagkaroon ng kaso sa Bureau of Internal Revenue.


“Manny has nothing against fighting in the United States. As long as it makes sense. The one thing we had going for us, you have to remember, is the tremendous savings, as far as Manny Pacquiao is concerned, is he doesn’t have to pay U.S. taxes at 39.6%, so any arithmetic that we did, how well we would do or how well we wouldn’t do, had to take into account the enormous tax savings,” paliwanag ni Arum sa Boxingscene.com.


Ginanap ang huling 14 na laban ni Pacquiao sa Amerika, karamihan dito sa Las Vegas, Nevada. – Gilbert Espena


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Away-kalye, plano ni Rios kontra Pacquiao


No comments:

Post a Comment