Wednesday, November 27, 2013

Retired employee nagpakamatay sa loob ng kotse

ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang retiradong kawani nang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa hindi pa batid na dahilan kahapon sa Parañaque City.


Kinilala ni Parañaque police chief Senior Supt. Ariel Andrade ang biktimang si Benjamin Manzano, 53, ng 102 Tirona St., BF Homes.


Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang misis na si Michelle sa loob ng Toyota van na nakaparada sa labas ng kanilang bahay alas-5:30 ng hapon matapos dumating galing sa trabaho.


Nadiskubre ang bangkay sa hulihang bahagi ng upuan ng van habang hawak pa sa kanang kamay ang kalibre .22 revolver na may pitong bala at isang napaputok na basyo.


Nakuha rin sa loob ng van ang liham ng pamamaalan na may nakasaad na “Nagpakamatay ako at ayaw ko nang sabihin ang dahilan, personal ito”


Tumanggi na rin ang pamilya ng nasawi na magsagawa pa ng awtopsiya sa bangkay sa paniwalang walang nangyaring anumang uri ng karahasan sa krimen at isa itong uri ng pagpapatiwakal.


The post Retired employee nagpakamatay sa loob ng kotse appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Retired employee nagpakamatay sa loob ng kotse


No comments:

Post a Comment