Wednesday, November 27, 2013

Chinese technical experts, tutulong sa NGCP

Bukod sa tulong pinansiyal, nagpadala rin ng mga technical team ang Chinese grid operator para tumulong sa pagsasaayos ng mga transmission line sa Visayas na nasira sa paghagupit ng super bagyong ‘Yolanda’ noong Nobyembre 8, 2013.


Ayon kay Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), tutulong ang technical experts mula sa State Grid Corporation of China (SGCC) para maisaayos ang may 600 structure na nasira at 19 na transmission line na bumagsak sa kasagsagan ng bagyo.



Una nang inatasan ng Department of Energy (DoE) ang NGCP na ibalik ang supply ng kuryente sa Visayas bago ang Pasko. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Chinese technical experts, tutulong sa NGCP


No comments:

Post a Comment