Saturday, November 9, 2013

REPORT: Patay kay ‘Yolanda’ posibleng pumalo sa 10,000

POSIBLENG aabot pa sa 10,000 katao ang casualties sa paghagupit ng supertyphoon na si Yolanda sa Leyte ayon na rin sa report ng Philippine National Police.


Batay sa impormasyon ni Police Regional Office-8 regional director C/Supt. Elmer Soria, ang kanilang assessment ay nasa 10,000 katao ang patay sa nasabing probinsiya.


Gayunman, hindi pa ito kumpirmado, kung saan sa talaan ng NDRRMC ay nasa 151 lamang ang naitalang binawian ng buhay sa bagyo.


Naitala ang maraming patay sa Guiuan Samar at Tacloban na naging sentro ng nasabing kalamidad.


Tuloy naman sa search and rescue operations ang mga awtordad sa nasabing lalawigan.


The post REPORT: Patay kay ‘Yolanda’ posibleng pumalo sa 10,000 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



REPORT: Patay kay ‘Yolanda’ posibleng pumalo sa 10,000


No comments:

Post a Comment