Saturday, November 9, 2013

Motorsiklo sumalpok sa pader; angkas patay

BACOOR, Cavite- Isang empleyado ang nasawi habang malubhang nasugatan ang driver nang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kongkretong pader sa siyudad na ito noong Biyernes.


Nakilala ang nasawing biktima na si Julius D. Canillo, 26, ng Irish St., Soldiers’ Hills IV, Barangay Molino, Bacoor.



Ideneklarang dead-on-thespot ng mga imbestigador, si Canillo ay nagtamo ng matinding head fracture at bali ng buto sa katawan.


Sugatan naman sa insidente si Billy Ray S. Martinez, 25, na isinugod sa Saint Dominic Medical Center. Si Martinez ang nagmamaheno ng Suzuki Raider (7367 VR) at angkas nito si Canillo nang biglang nagpagewang-gewang ang kanilang motorsiklo bago sumalpok sa isang kongkretong pader dakong 5:15 ng umaga.


Bukod sa sobrang tulin ng motorsiklo, hinala ng mga imbestigador na may iniwasang pedestrian ang dalawang biktima nang maganap ang aksidente. – Anthony Giron


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Motorsiklo sumalpok sa pader; angkas patay


No comments:

Post a Comment