Saturday, November 9, 2013

PNoy tumulak na sa Tacloban at Capiz

TUMULAK na patungong Tacloban City si Pangulong Benigno Aquino III para personal na tutukan ang operasyon ng pamahalaan para matulungan ang mga biktima ng typhoon “Yolanda.”


Ayon sa Presidential Communications Operations Office, inaasahan din na mamamahagi ang Pangulo ng relief goods sa Tacloban at pangungunahan ang gagawing briefing ng mga local officials at Cabinet secretaries hinggil sa nagpapatuloy na disaster operations.


Mula sa nasabing lungsod, tutulak din si Pangulong Aquino sa Brgy. Culasi sa Roxas City, Capiz para rin sa pamamahagi ng relief goods.


Una rito, tatlong munisipalidad sa probinsya ng Cebu ang nagdeklara ng state of calamity matapos salantain ng bagyong Yolanda noong araw ng Biyernes.


Ito ay ang mga munisipalidad ng Daanbantayan, Medellin at San Remegio sa hilagang bahagi ng Cebu.


Nabatid na noong kasagsagan ng bagyo, kasama ang nabanggit na mga lugar sa direktang dinaanan ng sama ng panahon.


Sa Daanbantayan, siyam katao ang naitalang patay samantalang tatlo katao naman ang natagpuang wala nang buhay sa Medellin.


Sa ngayon pahirapan pa ring makapasok sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyo, tulad ng Medellin, Santa Fe, San Remegio, Daanbantayan at Bantayan Island kung saan wala pa ring kuryente at linya ng komunikasyon.


The post PNoy tumulak na sa Tacloban at Capiz appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy tumulak na sa Tacloban at Capiz


No comments:

Post a Comment