Saturday, November 2, 2013

Rep. Leni, guest sa ‘Bawal ang Pasaway’

IPINAGPAPATULOY ni Camarines Sur 3rd District Rep. Leni Robredo ang mga yapak ng kanyang yumaong esposo. Tuwing matatapos ang sesyon sa Kongreso, sumasakay ng bus pauwi sa Naga City si Rep. Leni para bisitahin ang mga barangay sa kanyang distrito.



LENI Robredo Ang kanyang dating pananaw sa trabaho noon ni Mayor o DILG Jesse Robredo sa pulitika ay isang nakapapagod na gawain, ngayon ay itinuturing na niya ito bilang isang pribilehiyo para makapaglingkod sa ating mga kababayan.


Pero sadyang nakapapagod ang gawain ni Rep. Robredo. Matapos ang buong gabing biyahe sa bus, diretso na siya sa pagbisita sa iba’t ibang barangay at mga pulong. Sa dalawang araw na pagsunod sa kanya ng Bawal ang Pasaway, 37 barangay ang binisita niya. Walang magawa ang kanyang mga staff kundi tumbasan ang bilis ng kanyang pagkilos at sipag sa gawain.


Sa kabila nito, may mga bagay na hindi pa rin maharap si Attorney Leni o Ma’am Leni, ang tawag sa kanya ng mga kababayan sa Bicol. Inamin niya na hanggang ngayon ay wala pang nagagalaw sa mga naiwang gamit ng kanyang yumaong asawa. Aniya, hindi pa rin kayang panoorin ng kanyang mga anak ang mga video patungkol sa kanilang ama.


“One thing is for sure, I have no plans of replacing Jesse and finding someone else,” diretsahang sagot niya nang tanungin siya ni Winnie Monsod kung may balak pa ba siyang mag-asawang uli.


Panoorin ang kabuuan ng panayam kay Rep. Leni Robreo sa Lunes, November 4, sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, 10:00 ng gabi sa GMA News TV Channel 11. –Nora Calderon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rep. Leni, guest sa ‘Bawal ang Pasaway’


No comments:

Post a Comment