Saturday, November 2, 2013

Pilipinas, kabilang sa mga bansang problemado sa TB

Ni Jenny F. Manongdo


Hinimok ng World Health Organization (WHO) Western Pacific Region ang mga kasaping estado na taasan ang pamumuhunan sa paglaban sa tuberculosis sa kabila na karamihan ng mga bansa ay nasa daan na para matamo ang Millennium Development Goal 6 na tumatarget sa malaking pagbawas sa kaso ng tuberculosis pagsapit ng 2015.



“The burden of tuberculosis in our Region is still unacceptably high. We need political commitment, bold investments and actions to sustain our progress,” sinabi ni WHO Regional Director for the Western Pacific Dr. Shin Young-Soo sa isang opisyal na pahayag.


Ang bacteria na Mycobacterium tuberculosis ang sanhi ng sakit na Tuberculosis (TB) na nakaaapekto sa baga at naisasalin ng tao sa tao kapag ang isang maysakit ay umubo o bumahing. Naobserbahan ng WHO na ang TB ay naka-concentrate sa high-risk at mahihinang populasyon, gaya ng mga migrante, matatanda, at maralita.


Kabilang ang Pilipinas sa 22 high-burden TB countries na bumubuo sa mahigit 80 porsiyento ng kaso sa mundo. Ang tatlo pang mga bansa sa Western Pacific Region na nasa kategoryang ito ay ang Cambodia, China at Viet Nam, ayon sa global health body. Sinabi ng WHO na ang Pilipinas at ang tatlong pang nabanggit na bansa ang bumubuo sa 93 porsiyento ng mga kaso sa rehiyon.


“The expansion of Directly Observed Treatment Short-course (DOTS)—the TB control approach launched by WHO in 1995—has proven very successful and cost-effective. The treatment strategy was implemented in all countries in the Region by 2005. This contributed to the achievement of the intermediate TB control targets of 70 percent case detection, successful treatment of 85 percent of cases and reaching 100 percent of the population with DOTS access,” dagdag ng WHO.


Sa Western Pacific Region, halos 1.4 milyong katao ang nasuring may TB taun-taon, at 130,000 katao ang namamatay taun-taon.


Nababahala din ang WHO experts sa pagtaas ng drug-resistant TB na tinatayang 78,000 multidrug-resistant TB (MDR-TB) patients ang nasusuri taun-taon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pilipinas, kabilang sa mga bansang problemado sa TB


No comments:

Post a Comment