Saturday, November 2, 2013

Cunanan, nagwagi bilang horse owner

Matindi pala ang naging labanan sa pagiging top performers ng mga kabayo sa MetroTurf para sa Oktubre na nagtapos noong Miyerkules sa pista ng Malvar-Tanauan, Batangas.


Hanggang sa huling araw ng karera ay naging balikatan ang laban ng mga nangungunang horse owner at horse trainers.



Nakahinga ng maluwag itong si dating Philracom commissioner Marlon Cunanan nang manalo ang kanyang kabayong Saint Tropez at iselyo ang kanyang panalo sa hanay ng mga horseowner.


Ang 10 points na nakuha niya sa panalong iyon ay sapat na para mapigilan ang paglusob ng alinman sa dalawa niyang naging mahigpit na kalaban– ang Jade Bros Farm ni Emmanuel Santos at Marvin Louie Villasenor.


Nakakuha ng kabuuang 65 points si Com. Cunanan para manalo sa buwan ng Oktubre. Mayroon siyang 5 panalo, 3 segundo, at 3 tersero noong nakaraang buwan na nakatulong ng malaki sa kanyang kampanya.


Nasa likuran niya ang biglang bumulusok na si Marvin Louie Villasenor na nakapaglagak naman ng 55 points mula sa 5

panalo, 1 segundo at 1 tersero habang bumagsak sa ikatlong puwesto ang Jade Bros Farm na may 50 points.


Magaan na napanalunan naman ni jockey Jesse Guce ang October edition sa hanay ng mga hinete nang makapag-ipon siya ng 108 big points mula sa 7 panalo, 8 segundo at 6 na tersero.


Matindi ang record na ito kaya naman pursigido pa rin si Jesse Guce na makuhang muli ang Jockey of the Year honor ngayong taon.


Nahirapan naman nang husto si Dave dela Cruz bago niya nakamit ang panalo sa hanay naman ng mga horse trainer.


Nakakuha siya ng 152 points mula sa 10 panalo, 11 segundo, at 8 tersero.


Lamang sa kanya si Jess Pabilic bago kumarera noong Miyerkules pero dalawang malaking panalo ang hindi nasagutan ni Pabilic kaya’t naibigay kay Dave ang malaking panalo. Pumangalawa lang si Pabilic na may 133 points habang nasa ikatlo naman si Ruben Tupas na may 128 points.


Back-to-zero na naman ang listahan natin pagpasok ng pacontest para sa Nobyembre kaya tiyak na umaatikabong labanan na naman ang dapat asahan natin sa mga karerang bibitiwan sa MetroTurf simula pa lang kahapon (Nobyembre 2).


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cunanan, nagwagi bilang horse owner


No comments:

Post a Comment