Friday, November 22, 2013

5 barangay officials na binihag ng NPA, nakalaya na

PINALAYA na ang limang opisyal ng barangay matapos ang halos isang buwan na pananatili sa kamay ng New Peoples Army (NPA), sa Sitio Biga, Brgy. Datu Davao, Laak, Compostella Valley.


Ang nasabing mga biktima ay ginawang human shield ng grupo matapos masukol ng tropa ng gobyerno sa Brgy. Sabud, Loreto, Agusan del Sur noong Oktubre 24.


Ayon kay Major Noli Kanashiro, executive officer ng 26 Infantry Batallion Philippine Army, walang problema sa kanilang pangangatawan ang pinalayang sina re-electionists Brgy. Captain Lito Andalique, tatlo nitong mga barangay kagawad na sina Reynaldo Piodos, Balaba Andalique, at Kagawad Marbin Bantuasan pati na ang CVO member na si Pepe Subla.


Una nang pinalaya ng mga rebelde ang asawa ni Kag. Marbin Bantuasan na si Gina, isang araw matapos silang dukutin na siyang nagpaabot sa militar at mga opisyal ng kanilang bayan, sa demand ng mga rebelde.


Ang mga dinukot na barangay officials ay nanalo sa nakalipas na barangay election nitong Oktubre 28 kahit na di sila nakapangampanya dahil sa kanilang pagkakabihag.


The post 5 barangay officials na binihag ng NPA, nakalaya na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



5 barangay officials na binihag ng NPA, nakalaya na


No comments:

Post a Comment