Saturday, November 16, 2013

‘Price freeze’ sa binagyong lugar binalewala

BINALEWALA ng mga negosyante ang inilatag na price freeze ng pamahalaan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.


Patuloy pa rin sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga apektadong lugar.


Ayon sa isang residente sa Bogo City, Northern Cebu, pinuna niya ang kawalan nang aksyon ng mga kinauukulan para bantayan ang mga nananamantalang mga negosyante.


Partikular aniya sa mga nagtaas ang presyo ay ang bigas, isda, mineral water at maging yelo.


Dagdag nito, ang bloke ng ice ay pumapalo na sa P500 mula sa dating P200.


“Sabi nila gumagamit daw sila ng generator at gasolina.”


Maging ang commercial rice aniya na P35 per kilo ay nasa P45.00 na ang presyo habang pumapalo na sa P250.00 ang kada kilo ng isda.


The post ‘Price freeze’ sa binagyong lugar binalewala appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Price freeze’ sa binagyong lugar binalewala


No comments:

Post a Comment