Saturday, November 16, 2013

HINDI INVITED SA KASAL NG BESTFRIEND?

BALITANG hindi pupunta si Angelica Panganiban sa kasal nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ngayong December dahil hindi siya invited.


Nagbiro pa nga siya, ikakasal sila kinabukasan ni John Lloyd Cruz kaya hindi siya makasisipot.

Duda ng marami, may kinalaman ito sa pagtatampo ni Jason na kung saan ay worried sina Angelica at Pooh sa kinabukasan ni Melai at baby nito sa piling ni Jason. Pero buong ningning namang sinagot noon ni Jason na kahit nu’ng hindi pa siya nag-aartista ay napakakain niya ang pamilya niya ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw. Masipag daw siyang tao kaya ‘wag mag-alala ang mga kaibigan ni Melai at kasamahan sa Banana Split.


Hindi aware si Angelica na may tampo sa kanya si Jason. Hindi raw niya ito nakakausap. Sey lang ni Angelica, nagkaroon lang ng misinterpretation at saka opinion ‘yun bilang isang kaibigan at nagmamahal kay Melai. Wala silang masamang intensiyon.

“Buhay naman nila iyan. Labas na kami riyan,” sambit pa ni Angelica.


Basta wish lang niya kina Melai at Jason na i-enjoy nila ang wedding nila. Gusto rin niya na maging matagumpay sila sa pag-ibig at sa pagbuo ng pamilya.


Anyway, finally ipinalabas na kagabi ang unang 5th anniversary special episode ng Banana Split at next week (Saturday night) ang part 2 nito.

Tsuk!


-0o0-


MARAMI ang nagtatanong kung ano ang tulong na ginagawa ni Senator Bong Revilla sa mga biktima ng super typhoon. Ayaw nang mag-ingay at magdetalye ni Sen basta’t nakasked siya at ang kanyang mga staff para mag-abot ng tulong sa mga napinsala ni Yolanda sa kabisayaan. Ayaw na raw niyang ipaalam pa ito.


Para tutok ang gagawin niyang pagtulong sa mga lugar na ‘yun, nagpondo na raw at sunod-sunod ang taping niya para sa educational show niya na Kap’s Amazing Stories.


Sa KAS nominado si Senator Bong Revilla bilang Best Educational Show Host sa 27th PMPC Star Awards for TV na gaganapin sa Nov. 24 sa AFP Theater.

Talbog!


The post HINDI INVITED SA KASAL NG BESTFRIEND? appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



HINDI INVITED SA KASAL NG BESTFRIEND?


No comments:

Post a Comment