Saturday, November 16, 2013

Lola, patay sa sunog; 300 pamilya apektado

Isang 57-anyos na babae ang nasawi, dalawa ang nasugatan at umabot sa 300 pamilya ang nawalan ng bahay sa pagkakatupok ng may P2- milyon halaga ng ari-arian sa Quezon City, madaling araw noong Nobyembre 15.


Base sa report ni Quezon City Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez, nasawi si Angelita Unidez, 57, habang sugatan si Jose Capre, fire volunteer, at isang babaeng hindi pa kilala.



Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 12:58 ng umaga nang biglang sumiklab ang apoy na umabot sa Task Force Bravo, bago tuluyang naapula dakong 4:55 ng umaga.


Nabatid na tinupok ng sunog ang daan-daang kabahayan sa Sitio Mendez, Sitio Militar at Sitio Pajo sa Barangay Baesa, dahil bukod sa dikit-dikit ang mga tirahan ay nahirapan ang pagpatay sa apoy dahil makipot ang mga kalye at dagsa ang usisero sa lugar.


Nabatid sa mga kapitbahay na isang napabayaang niluluto ang pinagmulan ng sunog, ngunit batay sa paunang imbestigasyon ng BFP ay posibleng mga nakasaksak na appliances ang dahilan ng sunog. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Lola, patay sa sunog; 300 pamilya apektado


No comments:

Post a Comment