Friday, November 8, 2013

Pork barrel scam, obra maestrang nobela

Naniniwala ang isang retiradong arsobispo na may magaling na manunulat ng mystery novel na nasa likod ng P10-bilyong pork barrel scam, na kinasasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.


Dumalo si Napoles sa unang pagkakataon sa Senate hearing hinggil sa isyu ng pork barrel nitong Huwebes.



Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), hindi na siya magtataka kung maging ang kawalan ni Napoles ng abogado ay bahagi rin ng plano upang hindi mabunyag ang misteryo sa likod ng ninakaw na pondo ng gobyerno.


Iginiit rin ni Cruz na maraming malaking taong sangkot sa isyu.


“Big minds are working here, I would not be the least surprise if this is part of the plan of the design that all of the sudden wala na siyang abogado. Parang malalim ang kaalaman nang pagpapatakbo ng dramang ito, malalim ang misteryo,” pahayag ni Cruz, sa panayam ng Radio Veritas.


“Maraming involve, higit sa lahat ang executive department. Imposible itong nagkataon lang na ganyan, may abogado pero bigla na lamang nawala. Mystery, mukhang magaling ang nagkukumpas ng drama at tandaan natin, kadugtong si Napoles sa Malacanang, hindi naman sikreto na napunta nga sya roon, tapos hinatid pa. Sa isang banda talagang magaling si Napoles,” aniya pa. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pork barrel scam, obra maestrang nobela


No comments:

Post a Comment