Friday, November 8, 2013

‘Yolando,’ isinilang sa evacuation center

ROXAS CITY – Isang 27-anyos na ginang ang nagsilang sa loob ng evacuation center sa Barangay Culasi, Roxas City.


Umiyak sa sobrang tuwa si Mrs. Rachel Roco ng Sitio Luyo, Barangay Culasi nang makita ang malusog na baby boy na iniluwal niya habang pansamantalang tumutuloy sa evacuation center matapos lumikas sa kanilang bahay dahil sa banta ng bagyong Yolanda.



Inamin ng ginang sa Bombo Radyo Roxas na nagdesisyon sila ng kanyang mister na sa evacuation center na lamang manganak dahil sa kakulangan sa pera. Ipinagmalaki rin ni Roco na “Yolando” ang ipapangalan nito sa kanyang ikatlong anak dahil ipinanganak niya ito habang nananalasa ang supertyphoon Yolanda sa Capiz.


Samantala, hindi mabura sa limot ng mga residente ng Daanbantayan sa Cebu ang nakatatakot na bugso ng hanging dala ng bagyong “Yolanda.”


“Nakapapangilabot ang huni ng malakas na hangin. Sa sobrang ingay, akala ko may dumaraang eroplano sa ibabaw ng bubungan ng bahay namin,” kuwento ni Vicente Pacaldo, 45.


Nasaksihan din ni Julian Jumabanes habang nagtutumbahan ang malalaking puno at nagliparang yerong bubong ng bahay sa kanilang lugar. – Ulat ng Bomboradyo. com at Mars Mosqueda Jr.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Yolando,’ isinilang sa evacuation center


No comments:

Post a Comment