Friday, November 8, 2013

PHILIPPINE CORN INDUSTRY’S RECORD HARVEST


Handa na ang Pilipinas sa magluwas ng 100,000 metriko toneladang (MT) butil ng mais bago magtapos ang 2013 dahil sa tinatayang full-year harvest ngayong taon na may 8.2 milyong MT, 10.8% na mas mataas kaysa 2012 output na 7.4 milyong MT. Inaasinta ang South Korea at Malaysa bilang priority export markets.



Ang aning ito ay inaasahang magmumula sa taniman ng niyog na may kabuuang 300,000 ektarya na tinataniman din ng mais, ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA). Nakipag-agapayan ang DA sa Philippine Coconut Authority (PCA) upang ipatupad ang inter-cropping initiative. Ang mais ang pangalawang pangunahing agricultural crop ng Pilipinas, kasunod ng palay.


Ipinakikita sa datos ng Bureau of Agricultural Statistics na ang corn output ay nasa 3.32 milyong MT mula Enero hanggang Hunyo 2013. Umaasa ang DA na nakapagpo-produce ang industriya ngayong taon ng 5.726 milyong MT ng yellow corn at 2.487 milyong MT ng white corn. Saklaw ng yellow corn ang 50% ng livestock feeds, samantalang ang white corn naman ay staple food at alternatibo ng bigay, na kinokonsumo ng 14 milyong Pinoy sa buo ng bansa.


Sisimulan ngayong taon ng DA ang Corn Quality Awards upang bigyang pagkilala ang top achievers sa industriya. Bukas ito sa lahat ng probinsiya, lungsod, at munisipalidad, provincial at municipal coordinators, at agricultural extention workers sa Agri-Pinoy corn program.


Binabati natin ang Department of Agriculture sa pangunguna nina Secretary Proceso J. Alcala at Undersecretary Antonio A. Fleta, at sina Bureau of Agricultural Statistics Director Romeo S. Recide, National Food Authority Administrator Orlan A. Calayag, at Philippine Maize Federation Inc. President Engr. Roger V. Navarro sa kanilang agayapan upang mapaigting ang export potential ng industriya ng mais at mapaangat ang kabuhayan ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya na dumidepende sa sektor para sa kanilang ikabubuhay sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PHILIPPINE CORN INDUSTRY’S RECORD HARVEST


No comments:

Post a Comment