Saturday, November 2, 2013

PNP, magtatalaga ng police attaché sa Colombia —Purisima

Ni Aaron Recuenco


Isinusulong ni Director General Alan LM Purisima, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang pagtatalaga ng police attaché sa Colombia upang mapalakas ang kakayahan ng PNP na sugpuin ang mga transnational crime, kabilang na ang illegal drugs.


Binanggit ni Purisima ang kanyang panukala sa kanyang pakikipagpulong sa hepe ng pulisya sa Colombia na si Director General Rodolfo Palomino sa 82nd Interpol General Assembly nitong nakaraang linggo.



Ang Interpol ay ang pinakamalaking police organization sa buong mundo na may 190 bansa na miyembro na nagtutulungan upang masugpo ang mga transnational crime.


“I opened the possibility of the establishment of a Police Attache office in Colombia considering the vulnerability of transnational crime threats that might hamper the economic, socio-political security of both countries,” sibi ni Purisima.


“He (Palomino) positively responded with the proposal and even showed his keen interest of visiting the Philippones, particularly Camp Crame to further discuss the proposal,” dagdag ni Purisima.


Ang Colombia ay kilala bilang isa sa mga pinakamalaking pinanggagalingan ng ilegal na droga sa buong mundo. Isang opisyal ng Amerika na bumisita sa Pilipinas kamakailan ang nagsabi na ang mga gumagawa ng illegal drugs sa Latin America ay naghahanap ng bagong merkado kung saan ibabagsak ang kanilang kontrabando.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PNP, magtatalaga ng police attaché sa Colombia —Purisima


No comments:

Post a Comment