Saturday, November 2, 2013

PH continental team, sasabak sa China

Ni Marivic Awitan


Umalis noong nakaraang Biyernes ng madaling araw ang koponan ng Seven Eleven by Roadbike Philippines na pinangungunahan ng dating tour champions na sina Mark John Lexer Galedo at Jonipher “Baler” Ravina upang sumabak sa idaraos na Tour of Taihu Lake sa China.



Isang UCI classified 2.1 race, kabilang ang nasabing karera sa Asia Tour calendar ngayong buwan.


Ang pagsabak ng Philippine continental team sa siyam na araw na karera ay bahagi ng kanilang kampanya upang mas lalo pang mapaangat ang kalidad ng kanilang laro at makatipon ng kaukulang puntos para sa UCI rankings.


Bukod sa dalawang beteranong riders, kasama din nilang sasabak sa nasabing karera sina Mark Julius Bordeus, Ryan Cuyubit, Rey Martin at Marcelo Felipe.


Nakatakda silang gabayan ng team director ng koponan na si Ric Rordiguez, katulong ang trainer at dati ring miyembro ng koponan na si Eericson Obosa.


Samantala, ayon sa kanilang team manager na si Engineer Bong Sual na isa rin sa mga kasalukuyang board of directors ng PhilCycling, umaasa silang makakapagpakita ng magandang performance ang koponan sa kabila ng inaasahan na nilang malamig na klima sa China.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PH continental team, sasabak sa China


No comments:

Post a Comment