Saturday, November 2, 2013

2 senior citizen, patay sa sunog

Dalawang nakatatanda ang nasawi nang masunog ang kanilang bahay sa Marikina City kahapon ng madaling araw.


Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Fernando Pantig, 74, isang dating pulis, at kanyang kapatid na si Boy Pantig, kapwa residente ng Russel St., SSS Village, Barangay Concepcion 2, Marikina City.



Nagsimula umano ang sunog sa likuran ng bahay ng mga Pantig bago kumalat ang apoy sa nakapaligid na bahay.


Sinabi ng mga kapitbahay na nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog mula sa bahay ng mga Pantig na pinaniniwalaang sanhi ng tangke ng liquefied petroleum gas.


Ani Arson investigator, ang bangkay ng isa sa nasawi ay natagpuan sa sala ng kanilang tahanan habang ang ikalaway nasa may hagdan. – Madelynne Dominguez


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 senior citizen, patay sa sunog


No comments:

Post a Comment