Sunday, November 17, 2013

PNoy isang linggong mananatili sa Tacloban

POSIBLENG tumagal ng mahigit isang linggo si Pangulong Noynoy Aquino sa Tacloban City, Leyte.


Ito’y dahil marami pa ang kanyang nakikitang dapat ayusin sa lungsod na pinakamatinding sinalanta ng bagyong Yolanda.


Linggo, nag-ikot sa Tacloban ang Pangulo kasunod ng isinagawang inter-agency meeting.


Bumisita siya sa Seaport, isang ospital at warehouse ng National Food Authority (NFA) nanagsisilbing repacking center.


Sabi niya, posibleng hindi kakayanin ng isang linggo ang kanyang nais na development sa lungsod.


Prayoridad ng gobyerno ang pamamahagi ng relief goods, pagrekober sa mga bangkay, pagbabalik-normal ng mga establisyimento at pag-aayos ng law and order.


Ipinag-utos na ni PNoy ang pagpapalawig ng cash at food for work programs. Tiniyak din nito ang pagbibigay ng generator sets.


Ngayong Lunes ng umaga, nagpupulong na ang national at local government sa command center.


Inaasahang muling mag-iikot si PNoy sa Tacloban at isusunod ang Palo at Alang-alang, Leyte.


The post PNoy isang linggong mananatili sa Tacloban appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy isang linggong mananatili sa Tacloban


No comments:

Post a Comment