Sunday, November 17, 2013

50 patay sa plane crash sa Russia

PATAY ang 50 katao nang bumagsak ang isang eroplano habang papalapag sa Kazan, Russia.


Nabatid na lahat ay binawian ng buhay, kinabibilangan ng 44 pasahero at anim na crew na lulan ng Tatarstan Airlines Flight 363.


Kinilala ang ilan sa namatay na sina Lt. Gen. Alexander Antonov, regional chief ng Russian Federal Security Service; at Irek Minnikhanov, anak ni Tatarstan regional President Rustam Minnikhanov.


Lumalabas na galing sa Domodedovo International Airport ang eroplano at papalapag na sa Kazan nang bumagsak.


Inaalam na ang dahilan ng aksidente.


The post 50 patay sa plane crash sa Russia appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



50 patay sa plane crash sa Russia


No comments:

Post a Comment