Sunday, November 17, 2013

No aircon days sa Catholic school

ISANG Catholic school sa Intramuros, Maynila ang nagdeklara ng dalawang ‘no air-conditioning days’ bilang pakikiisa sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Nagpatay ng air-conditioning unit ang Colegio de San Juan de Letran, sa Intramuros, Manila sa lahat ng kanilang silid-aralan at mga tanggapan ngayon, Nobyembre 18, at uulitin ito sa Nobyembre 21 upang makatipid ng kuryente.


Ayon sa pamunuan ng paaralan, uulitin ito sa Nobyembre 21 at anumang matitipid na salapi mula dito ay ipagkakaloob sa mga biktima ng super bagyong Yolanda.


“ANNOUNCEMENT: NO AIRCON DAYS on Nov 18 and Nov 21 in all classrooms and offices. This move is in solidarity with the sufferings of our countrymen in the Visayas. Savings from the aircon consumption will be donated to the typhoon victims,” anunsiyo ng LETRAN MANILA, gamit ang Twitter account na @LetranOfficial.


“Everyone is allowed to come in civilian attire wearing the “We redefine excellence” shirt. Thank you.”


Matatandaang nooong Nobyembre 8 ay sinalanta ng superbagyong Yolanda ang ilang bahagi ng bansa.


Pinakanaapektuhan ng bagyo ang Eastern Visayas, na hanggang sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng mahigit 3,600 nasawi, libu-libong nasugatan at bilyong halaga ng ari-ariang nawasak.


The post No aircon days sa Catholic school appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



No aircon days sa Catholic school


No comments:

Post a Comment