Friday, November 1, 2013

Pilipinas, nasa high risk ng climate change

PARIS, France (AFP) – Halos sangkatlong bahagi ng economic output ng mundo, tinatayang nasa $44 trillion, pagsapit ng 2025 ay hawak ng mga bansang nasa highest risk of climate change effects, ayon sa pananaliksik na isinagawa ng British risk consultancy Maplecroft na inilathala noong Miyerkules.



Ang 67 bansa na nasa highest risk ay kinabibilangan ng economic giants na India sa ika- 20 puwesto at China sa No. 61.


Nangunguna sa listahan ang Bangladesh, sinusundan ng Guinea-Bissau, Sierra Leone, Haiti, South Sudan, Nigeria, Democratic Republic of Congo, Cambodia, Pilipinas, Ethiopia, the Central African Republic, Eritrea, at Chad.


Habang ito ay kumakatawan sa 50 porsiyentong pagtaas sa bahagi ng global gross domestic product (GDP) sa kasalukuyan sa high o extreme risk countries, nakasaad sa report ng Maplecroft na karamihan ng mga bansang ito ay hindi handa para harapin ang mas matitinding baha, bagyo, pagtaas ng dagat na bunga ng umiinit na planeta.


Sinabi sa Maplecroft report, na sinukat ang risk of exposure sa 193 bansa gayundin ang kanilang kakayahang matugunan ang mga pagbabago, na malaking puhunan ang kinakailangan sa baha at iba pang depensa para protektahan ang mga imprastraktura at ari-arian.


“Adaptive measures… will, however, require the sustained commitment of governments,” saad sa pahayag ng Maplecroft. ‘Extreme’ Climate Risk Natukalsan sa analysis ang limang bansang nahaharap sa “extreme” climate risk — ang Dhaka sa Bangladesh, Mumbai at Kolkota sa India, Manila sa Pilipinas, at Bangkok sa Thailand– ay inaasahang magtitriple ang GDP mula $275 billion sa $804 billion pagsapit ng 2025.


“The growing economic importance of cities in developing countries may increase exposure of assets, investments and supply chains to the impacts of climate change,” saad sa ulat.


“Cities with some of the biggest economic growth potential are among those with the greatest vulnerability to climate change.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pilipinas, nasa high risk ng climate change


No comments:

Post a Comment