Saturday, November 2, 2013

Motorsiklo, van nagsalpukan; 2 patay

Humabol sa Undas ang dalawa katao na magkaangkas lulan ng motorsiklo makaraang bumangga sa delivery van sa Pasay City kahapon ng madaling araw.



Basag ang bungo at namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Alfie Paciente Castaneda, 25, ng 2494 Tramo St. Barangay 64 Zone 8 sa nasabing lungsod at namatay din habang isinusugod sa Pasay City General Hospital ang kaangkas na babae na nakilalang si Rachelle Reyes Antonio, 24, ng No. 18 Old Sauyo Road, Silvina Village, Quezon City sanhi ng pinsalang timamo sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.


Sumuko sa mga awtoridad ang driver na si Ronald Jose Aniban Vinalon.


Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Roderick Navarro ng Pasay City Traffic Bureau, dakong 2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa harap ng Asean Institute of Maritime Studies sa Roxas Blvd. Pasay City.


Lumalabas sa imbestigasyon, lulan ng Honda Superfour (TT-645) ang mga biktima galing sa Baclaran habang binabaybay ang Roxas Boulevard nang bilang sumalpok sa isang Tamaraw AUV na may plakang DPY-633 na minamaneho ni Vinalon.


Dahil sa lakas ng salpukan, pumailalim ang mga biktima sa nasabing van na naging sanhi ng kanilang kamatayan at tumilapon naman ang sakay ng van na nakilalang si Jonel Bindulo na nagtamo ng sugat sa ulo at galos sa katawan. – Nannet Valle


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Motorsiklo, van nagsalpukan; 2 patay


No comments:

Post a Comment