Friday, November 8, 2013

Napoles, ilipat sa ordinaryong kulungan—Chiz

Aminado si Sen. Francis Escudero na magaling magpaikot si Janet Lim-Napoles, ang tinuturong utak sa multi-bilyong pondo ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).


Iginiit pa ni Escudero na dapat ilagay na lamang sa ordinaryong kulungan si Napoles, dahil wala namang banta sa kanyang buhay kung ang pagbabatayan ay ang kanyang mga kasagutan sa Senado.



“Wala palang threat sa buhay, sino naman ang papatay sa kanya. Wala naman pala siyang sasabihin dapat gawin ng gobyerno ilagay na siya sa ordinaryong piitan. Huwag gastusan ang seguridad niya, tutal magde-deny lang naman siya,” paliwanag ni Escudero.


Sa anim na oras na pagdining nitong Huwebes walang bukangbibig si Napoles kundi ang mga katagang: “Hindi ko alam…right to self-incrimination… hindi po totoo iyan”.


Sinabi pa ni Escudero na hindi naman talaga nila mapipilit si Napoles dahil proptektado ang kanyang karapatan sa ilalim ng Saligang-batas kaya ang maganda ay ilipat siya mula Fort Sto Domingo sa ordinaryong kulungan.


“Dapat pantay ang mga akusado ng krimen. Yun nga nagnakaw ng cellphone nakakulong sa ordinaryong city jail, yung nagnakaw ng bilyon eh may sariling kuwarto. Hindi naman yata tama yun,” dagdag pa ni Escudero.


Naniniwala din si Escudero na maraming alam si Napoles, kaya ipinilit nito ang kanyang right to self-incrimination. – Leonel Abasola


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Napoles, ilipat sa ordinaryong kulungan—Chiz


No comments:

Post a Comment