Thursday, November 14, 2013

PH Women’s Team, ‘di mapapalitan

Mahihirapan ang Philippine women’s basketball team na baguhin ang ipinasang komposisyon sa Myanmar SEA Games Organizing Committee (MYASOC) sa asam na mapalitan ang dalawang manlalaro para sa 27th Southeast Asian Games sa Naypyitaw, Myanmar.



Sinabi ni POC-PSC SEA Games Task Force member Paul Ycasas na hindi madali at basta na lamang palitan ng PH women’s team ang manlalaro dahil naipasa na ang opisyal na listahan o “entry by names” ng pambansang delegasyon.


“Remember, tapos na ang deadline para sa official list ng delegation. Magagawa ng Task Force dito ay humingi ng special accreditation o tulungan kami ng asosasyon na ipaliwanag kung bakit hihingi tayo ng pabor. Tulad halimbawa kung injured ba iyong player o may mabigat na dahilan para hindi makasama,” sinabi ni Ycasas.


Ito ay matapos na humingi ang Perlas Pilipinas na aprubasyon ng SEA Games Task Force na palitan ang dalawa nilang miyembro matapos mabigyan ng go signal ni PSC Chairman Richie Garcia.


Sinabi ni PH women’s team coach Haydee Ong na asam nilang ipalit si UAAP Most Valuable Player Camille Sambile at dating miyembro sa Perlas na si Angeli Gloriani kina Mercedita Arayi at sentro na si Lalaine Flormata, na kasama ng koponan sa nakaraang FIBA Asia Women’s Championship sa Bangkok, Thailand.


Iniulat na si Flormata, ang pinakamataas sa koponan sa 6-feet, ay may stress fracture sa binti habang tuluyan naman nagretiro ang matagal na miyembro ng koponan na si Arayi.


Matatandaan na tinalo ng Pilipinas ang 2011 Indonesia SEA Games gold medalist na Thailand sa FIBA Asia Women’s Championship subalit magkasunod na nabigo kontra sa Malaysia at Indonesia upang manatili sa Level II. Nagawa namang umusad ng Thailand sa Level I matapos talunin sa qualifying playoff ang Kazakhstan.


Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Chovi Borja, Kristina Tolentino, Joan Grajales, Melissa Jacob, Cindy Resultay, Karen Lomogda, Analyn Amazan, Bernadette Mercado, Angelica Ortega, Juvelyn Andaya, Denise Patricia Tiu, Mary Joy Galicia, Fria Bernardo at Cassy Tioseco. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PH Women’s Team, ‘di mapapalitan


No comments:

Post a Comment