Thursday, November 14, 2013

LIMITADONG ORAS

Durugtungan natin ngayon ang paksa tungkol sa pagpapahinga upang maging mas productive. Nabatid natin na maaari nga tayong gumugol ng marmaing araw, linggo, o kahit na taon sa pagtatrabaho ngunit hindi naman nagbubunga ng magagandang resulta. Nakatutuwa ngang isipin ngunit kailangan mo ring magpahinga upang maging mas productive.



Ipagpatuloy natin –



  • Makatutulong ang limitadong oras. – Kapag maigsi lamang ang panahong inilaan, makatutulong ito upang manatili ka sa mas mahahalagang gawain. Ang isa pang problema sa pagtatrabaho nang todo-todo ay nauuwi ka sa paggawa ng mga bagay na hindi naman mahalaga, mga bagay na nagpapa-busy sa iyo tulad ng paulit-ulit na pagtingin sa iyong email o pakikinig sa kuwento ng katabi mong tsismosa. Pero kung alam mong mayroong deadline ang iyong ginagawa, puwersado kang mag-focus sa mga bagay na talagang dapat mong tapusin.


  • Kung masyado kang maraming gagawin, alamin yaong pinakamahalaga at iyon ang unahin mong pagtuunan ng atensiyon, at huwag kang parang paruparong palipat-lipat sa iba pang bagay hanggang hindi mo natatapos ang pinakamahalgang gawain.



  • Nagtatrabaho ang utak mo kahit nagpapahinga ka. – Nangyari na ba sa iyo na bigla na lang pumasok sa isip mo ang isang magandang idea habang ikaw ay naliligo o naglalaba o nagmamaneho o ang huhugas ng pinggan? Hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang utak mo kahit nagpapahinga ka. Minsan nga, nangyayari ito kapag hindi ka naka-focus sa isang paritkular na trabaho. Isang katibayan ito na kapag hindi mo binigyan ng pagkakataon ang iyong sarili na huminto sa paggawa at magpahinga muna, hindi ka nagiging productive.


Maraming uri at anyo ang pagpapahinga. Ang limang minutong pagdungaw sa bintana ay maaaring sapat na upang pakalmahin ang iyong damdamin nang hindi ka magtrabaho sa unproductive na paraan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



LIMITADONG ORAS


No comments:

Post a Comment