Thursday, November 14, 2013

Pangamba ng epidemya, pinawi ng DoH

Nilinaw ng Department of Health (DoH) na walang dapat na ipangamba ang publiko hinggil sa posibilidad na magkaroon ng epidemiya ng sakit dahil sa mga nagkalat na bangkay ng mga biktima ng super bagyong “Yolanda” sa Visayas.


Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, walang pangamba at hindi pinagmumulan ng bacteria ang hindi pa naililibing na daan-daang bangkay.



Aniya, maaari lamang maging sanhi ng kontaminasyon ang mga bangkay kung mapunta ito sa mga pinagkukunan ng tubig, na gagamitin iinumin ng tao.


“Walang risk ang dead bodies. Ganito ‘yan: ‘Pag ‘yung dumi na lumabas mula sa bituka ng dead bodies ay napunta sa sources of water, ‘yun ang contamination. But, as it is, it will not spread disease,” paliwanag pa ni Tayag.


Iginiit rin ng health official na ang mga nakaka-impeksiyong mikrobyo ay hindi mabubuhay sa isang bangkay sa loob ng 48 oras.


“The health risk to the public is negligible unless dead bodies are touched and hands are unwashed,” tweet pa ni Tayag. “Basic hygiene, hand washing, using gloves or boots if available can protect body handlers from potential exposure to infections.”


Kaugnay nito, iminungkahi ni Tayag na huwag munang magsagawa ng mass burial at sa halip ay temporary burial na lamang hanggang hindi pa nakikilala ang mga bangkay. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pangamba ng epidemya, pinawi ng DoH


No comments:

Post a Comment