Saturday, November 2, 2013

Bigas, walang import permit, haharangin

Sinabi ng Bureau of Customs (BoC) noong Biyernes na temporaryo nitong haharangin ang mga shipment ng bigas na walang import permit kahit na hinihintay na lamang ng ahensiya ang polisiya ng gobyerno na magpapahintulot sa foreign rice importation mula sa mga bansang pumaso na ang quarantine restrictions (QR).



Sinabi ni BoC Commissioner Rufino Biazon na pinag-aaralan pa rin ng gibyerno ang mga susunod na hakbang sa pagpaso ng Quarantine Restriction sa rice imports na ipinagkaloob ng World Trade Organization sa Pilipinas.


Sinabi ng BOC chief na hihingi sila ng legal opinion sa Department of Justice and the Department of Agriculture kaugnay sa issue.


Habang hindi pa nagagawa ang official policy, sinabi ni Biazon na iimpound nila ang mga shipment na walang import permit.


“Ang default position namin ngayon is rather make an error on the right side which means harangin ang mga shipment na walang import permit,” ani Biazon sa isang panayam.


“Kasi we are also being threatened by a lawsuit by those importers na wala daw kaming basis to hold shipments dahil lifted na ang quantitative restrictions. On the other side, pag palabasin naman naming yan based on what we believe is the lifting of the restriction aakusahan naman kami ng ibang ahensya na nagpapalusot. I don’t think we can let that happen,” dagdag niya.


Ito ang komento ni Biazon kaugnay sa liham ng Vietnam Food Association (VFA) noong nakaraang buwan na nagsasabing ang Pilipinas ay walang karapatan na magpataw ng restriction sa bigay sa pagpaso ng QR.


Habang isinusulat ang balitang ito, sinabi ng BoC chief na mahigit 400 container van ng rice shipment ang kasalukuyang naka- hold. – J. Manongdo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bigas, walang import permit, haharangin


No comments:

Post a Comment