Saturday, November 16, 2013

‘Perfect 10′ concert ni Sarah, world-class

ni Reggee Bonoan


SARAH Geronimo MULI na namang napuno ni Sarah Geronimo ang Smart Araneta Coliseum sa nakaraang Perfect 10 concert niya nitong nakaraang Biyernes, na bago nagsimula ay nag-alay muna ng panalangin para sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda. Ayon kay Sarah ay nag-usap sila ng producer at manager niyang si Boss Vic del Rosario na ang proceeds ng concert niya ay didiretso sa survivors ng bagyong Yolanda.



Nanibago kami sa Perfect 10 concert ni Sarah dahil wala siyang production ( dance) number na para sa amin ay forte niya, kaya tinanong namin ang publicist niyang si Salve Asis tungkol dito.


“Ay, kasi nagawa na niya rati sa 24SC niya, dito sa Perfect 10, puro kanta lang talaga para maiba. Kasi parati naman siyang napapanood na sumasayaw sa ASAP, so this time, ang pagiging singer lang niya ang binigyan ng pansin,” paliwanag sa amin ng katoto.


May katwiran, pero siyempre hindi naman puro kanta lang ang gusto ng fans ni Sarah dahil mararni rin kaming naringgan na hindi nga raw humataw sa pagsayaw ang Pop Princess.


(Editor’s note: Umalis siguro kaagad si Reggee pagkatapos ng last song, kaya tulad ng iba ay na-miss din niya ang

bonggang production number na encore ni Sarah.)


Anyway, bawing-bawi namanang Perfect 10 concert dahil world class ang kalidad sa rami ng effects may napakalaking LED screen sa stage bukod sa pagiging interactive at talagang nasilaw kami sa nagagandahang ilaw at fireworks ng show habang kumakanta si Sarah. Halatang mahal ang production cost nila.


Nagustuhan namin ang awitin! Sino Ang Baliw (original ni Kuh Ledesma) dahil ipinakita ang lumang video clip ng singer / actress na ito ang kinakanta niya noong four years old lang siya, sa isang prayer rally. Boses bata talaga, pero bumibirit na at dahil interactive nga ay duet ang naging dating.


Hiyawan ang lahat ng tao sa Big Dome nang lumabas sa stage si Regine Velasquez para sa duet nila ni Sarah na It Will Rain at When I Was Your Man (Woman) ni Bruno Mars.


Kasunod nito ang paglabas naman ni Lea Salonga para kantahin ang mga awitin sa musical play na Wicked na tala gang nagpalakpakan nang husto ang audience.


Pero na-outstage ni Regine si Lea nang muli itong bumalik ng entablado para sa trio nila ng mga awitin ni Barbra Streisand kaya’t sinaway ng Asia’s Songbird ang tao dahil sa walang humpay na hiyawan habang nakatingin lang ang Tony Awards winner.


Nagsilbing reunion naman nina Mark Bautista, Rachelle Ann Go at Christian Bautista bilang champions ang Perfect 10 concert ni Sarah G. minus Erik Santos na kasalukuyang nasa Canada para sa series of shows.


Ipinakita rin ang mga pelikulang nagawa ni Sarah sa loobng sampung taon niya sa industriya at pinakamemorable ang papel niya bilang Laida Magtalas at love interest ni Miggy Montenegro (John Lloyd Cruz) sa A VenJ Special Love (2008), You Changed My Life (2009) at It Takes a Man and a Woman (2013).


Samantala, napansin namin na parang walang mga artistang nanood sa nasabing show ng Pop Princess.


Nagkasabay-sabay naman kasi ang Perfect 10 concert ng singer/ actress sa concert din ni Jed Madela na nag-anniversary show din sa PICC at si Vice Ganda naman ay nagkaroon ng benefit show sa comedy bar sa Quezon City.


May repeat ang concert ni Sarah sa SM MOA Arena sa Nobyembre 30, Saba do para sa mga hindi nakapanood sa Araneta Coliseum.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Perfect 10′ concert ni Sarah, world-class


No comments:

Post a Comment