Saturday, November 16, 2013

2 US warships dumating na sa Ormoc

DUMATING na sa pier ng Ormoc ang dalawang US warships na puno ng relief goods na ipamamahagi sa sinalanta ng bagyong Yolanda.


Sa ngayon ay ipinamahagi na sa mga survivor ng bagyo ang mga dumating na relief goods sa ibat ibang lugar sa Ormoc.


Hindi naman tumitigil ang ayuda ng Estados Unidos sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Yolanda.


Sa katunayan, patuloy pa rin sa pagbuhos ang kanilang mga tulong sa mga typhoon stricken areas.


Bukod sa mga barko ng US, patuloy naman sa paglipad ang air assets ng US Armed Forces para mamahagi ng relief goods.


Ayon sa report ng Philippine Embassy sa Estados Unidos, ginagamit na ang MH-60S Sea hawk sa USS George Washington sa pag-deliver ng relief goods sa mga lugar na hindi pa nabibigyan ng tulong partikular sa malalayong lugar ng Guiuan, Eastern Samar.


Sa kasalukuyan, mayroon nang mga medical personnel na may mga dalang gamot ang nasa bayan ng Guiuan para tumulong sa mga survivors.


The post 2 US warships dumating na sa Ormoc appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 US warships dumating na sa Ormoc


No comments:

Post a Comment