Sunday, November 10, 2013

Panalangin, donasyon, panawagan ng Simbahan para sa mga binagyo

Ni Leslie Ann G. Aquino


Nanawagan si Pope Francis ng panalangin para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa Pilipinas.


“I ask all of you to join me in prayer for the victims of Typhoon Haiyan / Yolanda especially those in the beloved islands of the Philippines,” saad ng Papa sa kanyang Twitter account na @Pontifex.



Sinalanta ng bagyo ang malaking bahagi ng Visayas noong Biyernes, at mahigit 100 pa lang ang nakukumpirmang nasawi at napakaraming iba pa ang nasugatan.


Samantala, umaapela rin ng donasyon ang Caritas Manila para sa mga naapektuhan ng bagyo sa Visayas.


“Let us share what we can to help Yolanda relief give to Caritas Manila Damayan,” sabi ni Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila. Ang mga perang donasyon ay maaaring i-deposit sa Caritas Manila, Inc. Peso Bank Accounts: BPI #3063- 5357-01, BDO #5600-45905, Unionbank #00-030-001227-5, PNB 10-856-660001-7 at Metrobank 175-3-17506954-3.


Ayon sa Caritas Manila, ang mga perang donasyon ay ipambibili ng ilalagay sa mga family emergency relief pack, materyales at gamot para sa mga first aid kit.


Umapela rin ang social action arm ng Archdiocese of Manila ng mga donasyong gamit, gaya ng mga de-latang pagkain, malinis na tubig, bigas, gamot, damit, underwear, banig, kumot, personal care at hygiene products at iba pa.


Ang mga donasyon ay maaaring dalhin sa tanggapan ng Caritas Manila sa 2002 Jesus Street, Pandacan, Manila; sa Radyo Veritas sa West Avenue- EDSA Quezon City o sa pinakamalapit na simbahan sa inyong lugar.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Panalangin, donasyon, panawagan ng Simbahan para sa mga binagyo


No comments:

Post a Comment