Sunday, November 10, 2013

Australian na ex-priest, nasawi sa ‘Yolanda’

Ni Bella Gamotea


Isang Australian na dating pari ang kabilang sa mga namatay sa pananalasa ng bagyong ‘Yolanda,’ ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.


Tumanggi ang DFA na ihayag ang pagkakilanlan ng 50-anyos na dating pari, na residente ng New South Wales, Australia, at ang nagbunyag sa child sex abuse sa loob ng Simbahang Katoliko.



Subalit sa ulat ng Australian Broadcasting Corporation at ibang foreign media ay kinilala ang biktima na si Kevin Lee, na natanggal mula sa kanyang pagkapari sa Sydney noong 2012 matapos amining sekreto siyang nagpakasal sa isang babae.


Noong nakaraang taon, ibinunyag ni Lee sa ABC program na “Unholy Silence” ang umano’y pang-aabusong nangyayari sa Simbahang Katoliko.


Pinaniniwalaang naninirahan sa Pilipinas si Lee kasama ang kanyang Pinay na asawa at anak na paslit.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Australian na ex-priest, nasawi sa ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment