Sunday, November 10, 2013

Talunang kandidato sa QC, pinagbabaril

Isang kandidatong natalo sa barangay elections ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City noong Sabado ng gabi.


Kinilala ni SPO1 Joselito Gagaza ang biktima na si Reynaldo Bardinas, 59, ng 35 Nitang Avenue, Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.



Ayon sa maybahay ng biktima na si Lorna, nangyari ang pamamaril sa loob ng kanilang bahay dakong 6:45.


Sinabi ni Lorna na tinadyakan ng dalawang suspek ang pintuan ng kanilang bahay bago nilapitan si Reynaldo at pinagbabaril.


Dalawang basyo mula sa .45 caliber pistol ang nabawi ng awtoridad sa lugar na pinangyarihan ng krimen.


Tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo, ayon pa kay Lorna.


Si Bardinas ay kumandidatong barangay kagawad noong nakaraang halalan subalit natalo. – Jeffrey G. Damicog


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Talunang kandidato sa QC, pinagbabaril


No comments:

Post a Comment