Friday, November 1, 2013

Pampasaherong jeep sumirko sa Baguio City, 13 sugatan

Sugatan ang 13 pasahero ng jeep matapos itong bumaligtad sa zig-zag na bahagi ng Naguillian Road, Baguio City kamakalawa. Isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga biktima dahil sa tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.



Sinabi ng Baguio City Police Office na pauwi na ang mga biktima na sina Mark Salupeng, Menzi Domoguen, Marites Aquino, Myra Austria, Archie Datuin, Palzi Dumayag, Moniz Narcisa, Beverlyn Bataken, Trinidad Janina, Cristina Salibaw at dalawang menor de edad nang maganap ang aksidente.


Sa imbestigasyon ng pulisya, nainip sa mahigpit na trapiko ang driver ng jeep na si Benedicto Salamen kaya sinubukan nitong maghanap ng malulusutan. Sumalpok ang jeep sa kasalubong na taxi at bumaligtad. Nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to physical injuries ang pulisya laban kay Salamen. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pampasaherong jeep sumirko sa Baguio City, 13 sugatan


No comments:

Post a Comment