Friday, November 1, 2013

Dream house ni Bea, exclusive sa ‘KrisTV’


Ni Remy Umerez


MARANGYA, very spacious, at mala five-star hotel ang atmosphere sa dream house ni Bea Alonzo at bukod tanging sa KrisTV exclusively ito inilabas. Kaya ganoon na lamang ang laking pasasalamat ni Kris na pinaunlakan siya ni Bea na itinuturing niyang isa sa younger sisters niya.



Bea is a very private person kaya fully appreciated ni Kris ang desisyon niya na ibahagi sa viewers ng KrisTV ang kanyang personal sanctuary.


Aminado si Kris na favorite niya si Bea dahil she is a very sincere person and a joy to work with.


“Gusto siya na makatrabaho ng lahat,” dagdag pa ni Kris na speechless sa ganda ng bahay ni Bea, laic na sa mamahaling chandeliers na nakasabit sa buong kabahayan.


Hindi binalak ni Bea ang magpatayo ng mala-palasyong bahay sa isang exclusive subdivision na tinitirhan ng rich and famous. Sinunod lamang niya ang payo ng pamunuan ng ABS-CBN na ang layunin ay maging secured ang kanyang future.


“Bea deserves it dahil she worked hard for this at nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa nagsisimulang young talents,” dagdag pa ni Kris. Minsan ay tinanong si Dingdong Dantes (leading man ni Bea sa blockbuster hit na She’s The One) kung paano makatrabaho si Bea Alonzo. Maikli at makahulugan ang naging sagot ng aktor:


“Napakaswerte ni Zanjoe.”


Tunay na fitted for a box-office queen ang dream house ni Sea. Hari na lang ang kulang dito.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Dream house ni Bea, exclusive sa ‘KrisTV’


No comments:

Post a Comment