Friday, November 8, 2013

Banned skin whitening products, ibinebenta pa rin

Ibinunyag ng isang environmental watchdog na isang skin whitening product na matagal nang ipinagbawal sa Pilipinas dahil sa taglay na mercury, ang ipinagbibili pa rin sa Metro Manila.


Ayon sa EcoWaste Coalition, marami pa ring Pinay ang nakabibili at gumagamit ng Jiaoli na ipinagbabawal nang bilhin at gamitin dahil nakasasama sa kalusugan.



Nabatid na nakabili ang grupo ng naturang produkto ng P80-P100 bawat isa noong Nobyembre 5 at 6 sa mga beauty at health product store, gayundin sa mga Chinese drug store sa Guadalupe, Makati City; Starmall, Mandaluyong City; Sta. Cruz, Manila; Baclaran Terminal Plaza, Pasay City; at Cubao, Quezon City.


Ang Jiaoli ay isa sa mga skin whitening product na imported mula sa China, na ipinag-utos nang alisin sa merkado dahil sa taglay na mercury na masama sa kalusugan.


“We are alarmed that Jiaoli seems to be enjoying brisk sales despite being recalled by various health agencies for having mercury at levels considered illegal even in China where the product originated,” ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator, EcoWaste Coalition.


Bukod sa Pilipinas, nabatid na ban rin ang Jiaoli sa Norway, Hong Kong, Minnesota at maging sa China, dahil sa napakataas na antas ng mercury na taglay nito.


Ayon sa World Health Organization (WHO), ang inorganic mercury na taglay ng mga skin lightening soap at cream na nakapipinsala ng kidney, nagdudulot ng skin rashes, skin discoloration at nagpepeklat. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Banned skin whitening products, ibinebenta pa rin


No comments:

Post a Comment